Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Itinuro ng mangangaral ng panalangin sa Biyernes sa Tehran, sinabi ni Hujjat al-Islam Hajj Ali Akbari, ang pagpapatuloy ng mga krimen ng Zionista laban sa mga lokal na mamammamayang Palestino, at Sinabi: "Ang mga Zionistang entidad ay nasa isang napakasama at kahiya-hiyang sitwasyon at natigil sa latian ng maraming mga iskandalong ginawa at patuloy nilang ginagawa sa kasalukuyan."
Ang pito at kalahating buwan ng matinding paglaban ng dakilang bansang inaapi, at pito at kalahating buwan ng kalupitan ng mga kriminal na ito, ay nagpapahiwatig na ang mga Zionistang entidad at ang mga tagasuporta nito ay walang anumang tamang kalkulasyon sa operasyong ito, bagkus ay ipinakita nila, na ang ang harapan ng paglaban at ang mga paksyon ng mga mandirigmangpaglaban ay may tumpak na mga plano at kalkulasyon. Nakaya nilang makatiis ng pito at kalahating buwan sa ilalim ng matinding panggigipit at ginawang desperado ang mga kaaway sa ganitong paraan.
Idinagdag pa niya: Ang maruming entidada na ito ay ginawa ang paksa ng Rafah upang makamit ang kanilang mga tagumpay. Ang Rafah ay isang mahalagang highway para sa kinubkob na mga tao sa Gaza. Ang pagtawid sa Rafah ay naging isang malaking kuwartel ng mga militar, na puno ng mga tangke ng mga Zionistang entidad. Ang populasyon ng migrante at residente ay naninirahan ngayon pangunahin sa Rafah.
Sinabi ni Hujjat al-Islam Haj Ali Akbari: Ang mga Zionista ay gustong salakayin ang mg amandirigmang paglaban, at tila pinapayuhan ni Biden ang mga Zionistang entidad, na huwag gawin iyon, at siyempre ito ay isang laro at alam ng lahat, na ang pangunahing tagasuporta at pangunahing kasosyo sa lahat ng mga krimen ng Zionista ay ang Estados Unidos, walng pag-dududa.
Idinagdag pa niya: Ang mg amandirigmang paglaban ay nagdulot ng napakaseryosong mga suntok laban sa Zionistang entidad, at hindi sila makapaniwala na pagkatapos ng pito at kalahating buwan, ang kilusan ng paglaban ay nasa gitna pa rin ng entablado.
Sinabi ng mangangaral ng panalangin sa Biyernes, na ang Zionistang entidad, sa pito at kalahating buwang ito, ay walang nagawa kundi ang kabiguan sa diplomatiko, sa larangan, at sa opinyon ng publiko, sa kabilang banda, ang axis ng paglaban sa diplomasya, sa larangan, at sa opinyon ng publiko ay nagdulot ng malaking tagumpay at pagmamalaki nito.
.........................
328